_pang-masa
^

Training ng PBA teams‘di pa puwede sa NCR Plus

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa muna puwedeng magsanay sa NCR Plus ang PBA kahit pa nalagay na sa General Community Quarantine (GCQ) mula sa mahigpit na Mo-dified Enhanced Community Quarantine ayon sa Games and Amusements Board (GAB).

Inanunsyo kamakalawa ng gabi ang pagpapatupad ng GCQ sa NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna hanggang Mayo 31 subalit mayroong “heightened restrictions”.

“Sa Manila ngayon ay GCQ with heightened restrictions. Bawal pa rin po ang scrimmages,” ani GAB information officer Lorraine Rodriguez.

Hindi pa puwedeng magbalik-operasyon ang mga recreational venues tulad ng indoor sports courts at gyms na pagsasanayan sana ng PBA teams gaya noong Marso kung kailan nasa ilalim ng regular na GCQ ang NCR Plus.

Nauna nang nakakuha ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang PBA at ibang pro leagues na magbalik-traning sa mga lugar na nasa ilalim ng regular na GCQ at pinakamaluwag na Modified GCQ.

Kabilang sa naaprubahan ng IATF ang mas dikitang 5-on-5 scrimmage na dati ay hindi puwede sa ginagawang training noon na batch by batch at limitadong non-contact workouts lamang.

Dahil dito, tuloy ang training ng PBA sa Batangas at Ilocos Norte habang naghihintay na lumuwag ang quarantine restriction.

May mga koponang  kumpirmado nang nakaiskedyul lumarga sa Batangas habang mayroon din sa Ilocos Norte tulad ng Meralco Bolts matapos sumailalim sa mandatory RT-PCR testing protocols nitong linggo.

Sa kundisyon ng IATF ay pinaigting ng PBA ang testing protocols na dalawang beses magsu-swab test bago pumasok sa training at regular testing kada-10 araw habang nagte-training.

Asinta ng PBA na makaalagwa ang lahat ng koponan sa Mayo 20 upang mahaba-haba ang kanilang paghahanda sa target ng PBA na opening ng Season 46 sa susunod na buwan.

Ayon sa GAB ay malapit nang mailabas ang Joint Administrative Order (JAO) na naglalaman ng protocols at guidelines sa tuluyang pagbabalik practice ng PBA at pirma na lamang ni Department of Health secretary Francisco Duque ang hinihintay.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with