_pang-masa
^
Heat diniskaril ang 76ers

Heat diniskaril ang 76ers

(Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

MIAMI — Diniskaril ng Heat ang pag-angkin ng Philadelphia 76ers sa No. 1 spot sa Eastern Conference matapos kunin ang 106-96 panalo para higpitan ang kapit sa No. 5 spot sa playoffs.

Umiskor si Jimmy Butler ng 21 points at kumolekta si center Bam Adebayo ng 18 points at 12 rebounds para sa pananatili ng Miami (39-31) sa No. 5 kasabay ng pagpigil sa Philadelphia (47-23) na maibulsa ang top seeding sa East.

Nag-ambag si Tyler Herro ng 18 points at may 15 at 13 markers sina Goran Dragic at Kendrick Nunn, ayon sa pagkakasunod habang napatalsik si team captain Udonis Haslem sa una niyang laro sa season nang makakuha ng dalawang technical fouls matapos makagirian si Dwight Howard.

Binanderahan ni Tobias Harris ang 76ers sa kanyang 21 points samantalang may 6 markers si MVP candidate Joel Embiid.

Sa Charlotte, nagsumite si Paul George ng 20 points at 10 rebounds sa 113-90 panalo ng Los Angeles Clippers (47-23) sa Hornets (33-37) para manatili sa No. 3 sa Western Conference.

Sa Indianapolis, humataw si Giannis Anteto-kounmpo ng 40 points, 15 rebounds at 6 assists para igiya ang Milwaukee Bucks (45-25) sa 142-133 pag-ligpit sa Indiana Pacers (33-37) para okupahan ang No. 3 seat sa East.

Sa Minneapolis, nagposte si Nikola Jokic ng 31 points sa 114-103 pagbalasa ng Denver Nuggets (46-24) sa Minnesota Timberwolves (22-48) at upuan ang No. 4 spot sa West.

 

HEAT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with