_pang-masa
^

Thirdy Ravena nagpaliwanag sa PBA

Chris Co (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang sumulat si Thirdy Ravena upang ipaliwanag sa PBA ang desisyon nitong muling pumirma ng kontrata sa San-En NeoPhoenix sa Japan B.League.

Kinagat ni Ravena ang multi-year contract na ibi-nigay ng NeoPhoenix dahilan para hindi ito muling makasali sa susunod na PBA Rookie Draft.

Ito ang ikalawang sunod na taon na hindi lalahok si Ravena sa draft sapul nang matapos ang playing year nito sa UAAP noong 2019. Natanggap na ni PBA commissioner Willie Marcial ang sulat at nakausap na rin nito ang dating UAAP Finals MVP.

Ayon kay Marcial, may nais pang patunayan si Ravena sa Japan matapos makailang ulit na magkaaberya ang kanyang paglalaro.

Unang naging aberya ang visa dahilan para ma-miss nito ang mga naunang laro ng San-En kasunod ang pagkakaroon niya ng coronavirus disease (COVID-19) bago na-injury ang kanyang daliri.

Sa huling bahagi ng liga, nagtamo na naman ng injury si Ravena sa kanyang tuhod.

Kabuuang 18 laro lamang nasilayan si Ravena kaya pinili niyang bumalik sa susunod na season ng malakas at umaasang wala nang anumang aberya pa para patunayan ang kanyang husay.

THIRDY RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with