_pang-masa
^

Kailangang magkaisa ang buong PBA family

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa nakatakdang pagbabalik ensayo sa susunod na linggo, nasa kamay na ng pamunuan ng PBA at ng 12-teams ang kanilang magiging kapalaran sa hanga-ring tuluyang mabuksa ang Season 46.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, “koo-perasyon” ang kailangan mula sa buong PBA family upang ligtas na maisagawa ang training na siyang magiging daan sa pagbubukas ng 2021 Season  matapos ang krusyal na pagpupupulong kasama ang 12 PBA coaches kamakalawa ng gabi.

“We need cooperation sa super na pag-iingat. Ito ang daan para makabalik ang liga sa laro. And so nasa kanila talaga kung gusto nilang makabalik na,” ani Marcial.

Tinalakay sa meeting ang mga ilalatag na mahigpit na protocols sa pagbabalik training ng PBA kabilang na ang pag-angat sa mas dikitang 5-on-5 scrimmage, kumpara sa kada-batch at limitadong group workouts lang dati.

Dumalo sa online Zoom meeting sina coach Chot Reyes ng TNT, Tim Cone ng Ginebra, Norman Black ng Meralco, Leo Austria ng SMB, Yeng Guiao ng NLEX, Chito Victolero ng Magnolia, Jeff Cariaso ng Alaska, Pido Jarencio ng Northport, Topex Robinson ng Phoenix, Chris Gavina ng Rain or Shine, John Cardel ng Terrafirma at Nash Racela ng Blackwater.

Bago ang pagpupulong ng mga PBA coaches ay nag-usap din sina Marcial at chairman Baham Mitra ng Games and Amusements Board (GAB) noong weekend para sa mga ipapatupad na guidelines at protocols.

Ipa-finalize na lamang ito ng GAB kasama ang Department of Health at Philippine Sports Commission para sa ilalabas na Joint Administrative Order sa tuluyang pagbabalik practice ng PBA.

Asinta ng PBA ang Mayo 17 o 18 na pagsisimula ng training na magbibigay ng halos isang buwang paghahanda sa mga koponan kung matuloy din ang target na 2021 Season opener sa Hunyo 15.

Ayon sa go-signal ng Inter-Agency Task Force noong nakaraang linggo ay puwedeng magsanay ang PBA teams sa mga lugar na nasa ilalim ng maluwag na General Community Quarantine (GCQ) o Modified GCQ.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with