_pang-masa
^

Mabigat na parusa ipapataw ng PBA sa mga violators

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabigat na parusa ang nag-aabang sa mga posib-leng violators ng PBA protocols upang masigurong susunod ang lahat para maging ssuccessful at ligtas ang pagbabalik-ensayo pati na ang mas dikitang scrimmages ng 12-koponan.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, hindi lalayo ang penalties at fines ng PBA o kaya ay posibleng lumaki pa mula sa mga inilatag na parusa noong 2020 PBA Bubble sa Clark, Pampanga, para sa misyong mapatunayan na kaya nilang ituloy ang mga ensayo at laro nang walang aberya.

Sa ilalim kasi ng training at scrimmage ng PBA ay uwian ang mga players na susunod sa closed circuit set-up o home-gym-home routine. Ito rin ang balak ng PBA at hindi na bubble setting, para sa Season 46 nito sa susunod na buwan.

“Lalakihan natin ‘yan (penalty). Hindi lalayo diyan ‘yung penalties natin sa Clark, Pampanga na P100,000 at suspension for 10 days. Malaki kasi gusto natin maging successful,” ani Marcial na nilinaw na hindi lang para sa mga kapakanan ng mga players ang mga hakbang na ito kundi sa para na rin sa teammates at pamilya nila.

Makikipagpulong si Marcial sa mga PBA players, coaches at team managers upang talakayin ang pagbabalik-training ng liga pati na ang mga pinaigting na testing protocols bago ang mismong ensayo at kada-10-araw kapag lumarga na sila.

Kamakalawa ay nakakuha na ang PBA ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) na magbalik sa ensayo sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine o MGCQ.

Upang ma-finalize na ang mga protocols para sa asintang training restart sa Mayo 18, makikipag-usap ang PBA sa Games and Amusements Board (GAB) na suportado rin ang major development na ito bilang regulatory body ng professional sports sa bansa. “The Games and Amusements Board (GAB) is grateful to the IATF for allowing the resumption of practices of PBA and PFL in areas under GCQ and MGCQ. This move shows that the government has recognized the plight of Filipino professional athletes, especially during these trying times,” ani GAB chairman Baham Mitra.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with