_pang-masa
^

Ramirez gusto nang mag-training ang SEAG athletes

Russell Cadayona (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbabalik ng mga PBA teams sa training at scrimmage ay umaasa ang Philippine Sports Commission (PSC) na bibigyan na rin ng ‘go signal’ ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Umaasa si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na masisimulan ng Team Philippines ang pagbabalik-ensayo nga-yong buwan.

“Malamang baka anytime this May baka mag-start na iyong training nila para sa Hanoi (SEA Games),” wika ni Ramirez sa PSC Hour program. “Ready na iyong mga lugar except iyong tatlong malalaking gym natin.”

Kasalukuyang ginagamit ng IATF ang Rizal Memorial Sports Complex at Ninoy Aquino Stadium sa Manila at PhilSports Complex sa Pasig City bilang mga quarantine facilities para sa mga COVID-19 patients.

Nakatakda ang 2021 Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 kung saan itataya ng Team Philippines ang overall championship.

Bukod sa Vietnam SEA Games ay lalahok din ang bansa sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

“Our primary concern are the athletes who’s going to the Olympics, who’s going to qualify and as well as the athletes who’s going to the Southeast Asian Games in Hanoi, Vietnam,” ani Ramirez.

Kamakalawa ay pinayagan ng IATF ang training at scrimmage ng mga PBA teams sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with