^

NLEX sa Clark o Subic ang team training

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dagdag pa ang Clark, Pampanga at Subic, Zambales sa mga posibleng training venues ng PBA bukod sa Batangas at Ilocos Norte bilang paghahanda nila sa PBA Season 46 habang hindi pa puwede sa NCR Plus.

Sa katunayan, kinukonsidera na ng NLEX Road Warriors na idaos ang training camp sa isa sa mga naturang lugar depende sa approval ng mga requirements at halaga ng gagastusin.

Ayon sa koponan ay may offer din ang Ilocos Norte sa kanila gayundin sa mga iba pang gusto na doon ganapin ang kanilang ensayo bukod pa sa nauna nang alok ng Ilocos na maging host ng PBA bubble kung mauulit ito.

Nauna nang sinabi ng PBA na tinitingnan nitong practice sites ang Batangas na may go-signal nina Batangas City Mayor Beverly Dimacuha at Batangas 5th District Rep. Marvey Mariño.

Hanggang pitong koponan ang inaasahang magsasanay sa Batangas, partikular sa Batangas City Coliseum at Batangas State University Gym habang hanggang dalawa ang inaasahang magsasanay sa Ilocos.

Lumulutang na rinngayong option ang Clark at Subic na hindi na bago sa pagho-host ng bubble training at bubble games sa ilalim ng new normal bunsod ng pandemya.

Sa Clark ginanap ang 2020 PBA Bubble at dito rin magte-training ang PVL teams na Choco Mucho at Creamline habang sa Subic ginanap ang PSL Beach Volleyball at finals ng naudlot na MPBL Lakan Season.

Sa Subic din idinaos ang national team tryouts ng Philippine National Volleyball Federation.

Naging option ng PBA ang mga alternative na training sites dahil nasa ilalim pa ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR Plus kung saan ipinagbabawal ang anomang sports activities, kumpara sa mga nabanggit na “low-risk” areas at nasa mas maluwag na quarantine status.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with