^
LA Clippers, Denver umusad dahil sa panalo ng Hawks

LA Clippers, Denver umusad dahil sa panalo ng Hawks

(Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Sa bisa ng kanilang magandang record kasabay ng panalo ng Atlanta Hawks laban sa Portland Trail Blazers ay opisyal nang nakapasok ang Denver Nuggets at Los Angeles Clippers sa playoffs.

Bitbit ng Nuggets ang 43-22 baraha para sa ikatlong puwesto ng Western Conference standing sa ilalim ng  mga sigurado na rin sa playoffs na Utah Jazz (47-18) at Phoenix Suns (46-18) .

Sibak na sa West ang Oklahoma City Thunder (21-44), Minnesota Timberwolves (20-45) at Houston Rockets (16-49) at nanganganib ang New Orleans Pelicans (29-36) at Sacramento Kings (37-27).

Ang 123-114 paggiba ng Hawks (36-30) sa Blazers (36-29) ang tuluyan nang nagbigay ng tiket sa Nuggets at Clippers papasok sa playoffs hindi pa man sila nakakatapak uli sa court.

Kumonekta si Danilo Gallinari ng pitong triples para sa kanyang 28 points para banderahan ang Hawks katulong si Bogdan Bogdanovic na kumamada ng 23 sa kanyayang tinapos na 25 points sa second half.

Dahil sa panalo ng Atlanta, may konsuwelo pa rin ang Denver kahit lumasap ng 89-93 pagkatalo sa Lakers na pinangunahan ni Anthony Davis na tumapos ng 25 points sa kanilang sagupaan sa Los Angeles.

Pinamunuan ni Damian Lillard ang Blazers sa inis-kor na 33 points at inungusan ni Carmelo Anthony si Elvin Hayes para sa 10th place sa NBA career scoring list sa kanyang 27,318.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with