^

Nanghihinayang si Catantan

Russell Cadayona (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin si national fencer Samantha Catantan matapos mabigong makatuhog ng slot sa 2021 Tokyo Olympic Games sa nakaraang qualifying tournament.

Isang 10-15 pagkatalo ang nalasap ni Catantan kay top seed Yana Alborova ng Uzbekistan sa semifinals ng women’s individual foil ng Asia Oceania Olympic Qualifier sa Tashkent, Uzbekistan.

“Siyempre, nanghihinayang ako pero ganoon talaga ang competition na hindi lahat makakapasok (sa Olympics),” ani Catantan kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition. “Learning experience na lang para mag-training pa ako nang maige.”

Ang kabiguan ang nagbigay sa 19-anyos na si Ca-tantan ng bronze medal na hindi sapat para makakuha ng slot sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

Nakabase ngayon si Catantan, miyembro ng Penn State University fencing team sa US NCAA, sa Pennsylvania.

Wala namang nakuhang medalya sina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jylyn Nicanor, Hanniel Abella, Nathaniel Perez, Noelito Jose at CJ Concepcion sa kani-kanilang mga event.

Ang pinakahuling Pinoy fencer na nakalaro sa Olympics ay si Walter Torres noong 1992 sa Barcelona, Spain.

Matapos ang nasabing Olympic qualifier ay paghahandaan ng Philippine Fencing Association (PFA) ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with