^

PM Sports

Sotto ipinakilala ng Adelaide 36ers

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sotto ipinakilala ng Adelaide 36ers
Kai Sotto

MANILA, Philippines — Bagong simula pero parehong jersey number 11 pa rin ang ipaparada ni Filipino teen tower prodigy Kai Sotto sa napipintong stint niya para sa Adelaide 36ers sa 2021-2022 National Basketball League sa Australia.

Opisyal nang inilibas ng Adelaide at NBL ang No. 11 jersey ni Sotto kahapon ilang araw matapos ang pagpirma niya ng multi-year deal sa prestihiyosong pro-league sa Australia.

Ang No. 11 jersey din ang isinuot ni Sotto sa maikling career sa Ignite sa NBA G League.

Subalit bago iyon, ang naturang jersey number na ang ipinaparada ng 7-foot-2 Pinoy ace noong panahon niya pa dito sa Pilipinas para sa Ateneo Eaglets sa UAAP juniors, kung saan siya nagwagi ng kampeonato, Finals MVP at Season MVP awards.

Ito rin ang kanyang jersey number para sa Batang Gilas Pilipinas, na inakay niya sa ilang podium finishes sa FIBA Asia at appearances sa FIBA World Cup.

Sa pangunguna ni Sotto ay nakapasok sa Final Four ng FIBA U16 at U18 Asia Championships ang Batang Gilas at nakapasok din sa prestihiyosong FIBA U17 at U19 World Cups bukod pa ang kampeonato sa SEABA U16 Championship.

Numero 11 din ang jersey ni Sotto nang una siyang dumating sa United States noong 2019 upang maglaro sa The Skills Factory.

Bunsod ng pagselyo sa dati at original na jersey number niya, inaasahan ang pareho o higit pang bangis ni Sotto sa NBL na panibagong kabanata ng kanyang career tungo pa rin sa pangarap na maging kauna-unahang full-blood Pinoy sa NBA.

 

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with