^

PM Sports

Bagsik ng pagbabalik ni Giannis

Pang-masa
Bagsik ng pagbabalik ni Giannis

ATLANTA — Sa mga numerong inilista ni Giannis Antetokounmpo ay tila hindi nangalawang ang Milwaukee Bucks superstar forward.

Humakot si Anteto-kounmpo ng 15 points, 5 rebounds, 3 steals, 2 assists at 1 block sa kanyang pagbabalik sa lineup para sa 120-109 pagsuwag ng Bucks sa Hawks.

Sa loob ng 25 minutong paglalaro ay tumipa si Antetokounmpo, hindi nakita sa anim na laro dahil sa sumasakit niyang kaliwang tuhod, ng 7-of-12 fieldgoal shooting para sa Milwaukee (35-20).

Binanderahan ni Bogdan Bogdanovic ang Atlanta (30-26) sa kanyang 28 points.

Sa Phoenix, humakot si big man Deandre Ayton ng 26 points at 11 rebounds habang may 23 markers si guard Devin Booker para akayin ang Suns (40-15) sa 122-114 pagsunog sa Sacramento Kings (22-34).

Sa Los Angeles, umiskor si Jaylen Brown ng apat sa kanyang 40 points sa huling minuto para tulungan ang Boston Celtics (30-26) sa 121-113 pagpapatumba sa nagdedepensang Lakers (34-22).

Dumiretso ang Celtics sa kanilang pang-limang dikit na panalo.

Sa Cleveland, humataw si Stephen Curry ng 33 points para pa-ngunahan ang Golden State Warriors (28-28) sa 119-101 pagpapabagsak sa Cleveland Cavaliers (20-35).

vuukle comment

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with