^

Abot-kamay na ni Diaz ang Olympics slot

Chris Co (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang abot-kamay na ni national weightlifter Hidilyn Diaz ang kanyang ikaapat na Olympic Games tiket ay dadaan naman sa butas ng karayom sina Kristel Macrohon, Elreen Ann Ando, Vanessa Sarno, Mary Flor Diaz, Elen Rose Perez, John Ceniza at John Dexter Tabique.

Tanging ang walong top lifters lamang sa bawat weight category ng world rankings ang makakapaglaro sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Kaya 112 weightlifters mula sa iba’t ibang bansa ang magtutungo sa Japanese capital para makipag-agawan sa Olympic gold medal.

Kasalukuyang nasa No. 2 si Diaz, ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist, sa kanyang weight class na 53-kilograms at pormal na niyang makakamit ang Olympic berth sa pagsali sa Asian Weightlifting Championships sa Abril 16-25 sa Tashkent, Uzbekistan.

Nasa Tashkent na ang tropa ng 30-anyos na tubong Zamboanga City at bumiyahe na rin kahapon sina Macrohon, Ando, Sarno, Diaz, Perez, Ceniza at Tabique.

Kumpiyansa si Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella sa tsansa nina Macrohon at Ando, ang 2019 Southeast Asian Games gold at silver medalist sa women’s 71kg at 64kg class, ayon sa pagkakasunod.

Sina Macrohon at Ando, kasama si Ceniza, ang 2019 SEA Games silver medalist sa men’s 55kg division, ay nasa No. 8 ng kani-kanilang weight categories, ayon kay Puentevella.

 

OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with