^
Utah giniba ang Portland

Utah giniba ang Portland

(Pang-masa) - April 10, 2021 - 12:00am

SALT LAKE CITY — Nagpasabog si Donovan Mitchell ng 37 points para banderahan ang Utah Jazz sa kanilang ika-23 sunod na home victory mula sa 122-103 paggiba sa Portland Trail Blazers.

Humakot si center Rudy Gobert ng 18 points at 21 rebounds habang may 13 markers si Joe Ingles para sa Jazz (39-13).

Binanderahan ni Damian Lillard ang Blazers (30-21) sa kanyang 23 points kasunod ang 19 markers ni C.J. McCollum.

Sa Miami, humataw si Jimmy Butler ng 28 points para pangunahan ang Heat (27-25) sa 110-104 pagtusta sa nagdedepensang Los Angeles Lakers (32-20).

Sa Los Angeles, naglista si Paul George ng 33 points, 7 rebounds at 3 assists para akayin ang Clippers (35-18) sa 113-103 pagpapalubog sa Phoenix Suns (36-15).

Sa Dallas, umiskor si Luka Doncic ng 27 points, habang nagtala si Kristaps Porzingis ng 26 points at 17 rebounds para sa 116-101 pagdomina ng Mavericks (29-22) sa Milwaukee Bucks (32-19).

Sa Tampa, Florida, tumipa sina Nikola Vucevic at Zach Levine ng tig-22 points sa 122-113 pagsuwag ng Chicago Bulls (22-28) sa Toronto Raptors (20-32).

Sa Oklahoma City, kumamada si Collin Sexton ng 27 points para pamunuan ang Cleveland Cavaliers (19-32) sa 129-102 paggupo sa Thunder (20-32).

Sa Sacramento, nagposte si Cory Joseph ng 24 markers, 7 assists at 4 boards sa 113-101 pagpapatumba ng Detroit Pistons (16-36) sa Kings (22-30).

 

UTAH JAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with