^

PM Sports

Pagbabalik ng karera napurnada uli

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakda sanang magbalik aksyon ng karera nga­yong linggo pero naudlot dahil sa pinahaba ng Inter-Agency Task Force, (IATF) ang enhanced community quarantine, (ECQ) sa National Capital Region, (NCR).

Simula ngayong araw hanggang April 11 ang extension ng ECQ sa NCR, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

“Due to the extension of of the ECQ in the NCR + bubble, Horseracing will be further canceled during the duration of the ECQ. Please take care and keep healthy Bayang Karerista. Standby for further developments and updates,” post ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa kanilang Facebook page.

Dalawang venue ng karera ang nahagip ng ECQ, ang San Lazaro Leisure Park sa Carmona at ang Santa Ana park sa Naic na parehong nasa Cavite.

Muling mauurong ng petsa ang 2021 Commissioner’s Cup na pakakawalan sana sa April 11 sa pista ng San Lazaro. Unang nakansela ang nasabing stakes race noong Marso 21.

Nagsimulang makansela ang karera noong Marso 20 dahil sa paghihigpit uli ng gobyerno sa health at safety protocols bunga ng pagdami ng mga nagpo-positibo sa coronavirus (COVID-19).

Bukod sa Commissioner’s Cup, may mga naka-linya pang stakes races tulad ng PHILRACOM 1st Leg 3-Year-Old Maiden Race at 2nd Leg ng 3YO Maiden race.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with