Wala na namang karera

MANILA, Philippines — Malungkot na balita para sa mga karerista matapos maglabas ng statement ang Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) na pansamantalang matitigil ang karera para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga karerista, hinete, horse owner at mga empleyado sa karerahan laban sa umaatakeng coronavirus (COVID-19).

“Please be informed that the commission board during their emergency online meeting held today March 22, 2021 issued a directive as precautionary measure in assuring the health and welfare of all its lisensees and employees in view of this hightening pandemic.” post ng PHILRACOM sa kanilang facebook account.  “Horse racing operations is temporarily suspended from Tuesday, 23 March 2021 until Sunday, 28 March 2021,” nakasaad pa sa statement.

Nakansela ang pakarera ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) noong Sabado at Linggo na gaganapin sana sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, may mga stakes races ang nasakto kung saan mga tigasing kabayo ang kalahok.

Subalit duda ang ibang mga karerista na hanggang Linggo lang matitigil ang karera, tantya ng iba ay baka abutin pa ng dalawang Linggo.

“Sabi hanggang Linggo walang karera pero wala namang sinabi na kung kailan magkakaroon,” saad ni Perlito Evangelista na 40 taon ng karerista.

 

Show comments