Yee ‘di pa kupas
Hindi star player si Mark Yee, pero nagparamdam at nakatulong sa mga koponang nilaruan sa kanyang 10-year PBA career.
Bilang undrafted rookie recruit ng Burger King noong 2008, sinuklian ni Yee ang tiwalang ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng 8.8-point, 3.9-rebound at 1.4-assist averages.
Maituturing na revelation ang manlalarong mula sa isang non-UAAP, non-NCAA school – San Sebastian College-Cavite.
Hindi nga ba’t naimbitahan pa siya noon, kasama ni Wynne Arboleda, na magsuot ng Powerade Team Phl training uniform bago tuluyan nakumpleto ang koponan na lumaro sa Tianjin FIBA Asia Championship noong 2009.
Pagkatapos ay nakatikim siya ng PBA championship sa paglalaro sa Talk N Text bago nalipat sa Meralco, GlobalPort at Kia/Mahindra/Columbian Dyip.
Masasabing nagkaroon siya ng proud stint sa PBA.
At sa edad 39, nanatiling matikas ang Sagay City, Negros Occidental native.
Patunay dito ang Finals MVP at Mythical Five citation na ibinulsa sa katatapos na MPBL national finals.
Saludo ako sayo Mark Yee!
- Latest