_pang-masa
^

Clarkson sumama sa #StopAsianHate

(Pang-masa) - March 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumama na si Utah Jazz star Jordan Clarkson sa #StopAsianHate campaign na kumakalat sa social media.

Nagsimula ang #StopAsianHate campaign matapos matuklasan sa Amerika na umabot na sa mahigit 3,800 ang hate cases sa  mga Asyano sa panahon ng pandemya.

Sa isang pag-aaral, may 68 porsiyento ang nakaranas ng verbal abuse habang 11.1 porsiyento naman ang nagkaroon ng physical harassment experience.

Posibleng iniuugnay sa mga Asyano ang coronavirus disease (COVID-19) na nagmula sa China.

Kaya naman binuhay ng mga Asian-Americans ang #StopAsianHate upang matigil na ang karahasan sa mga Asyanong nasa U.S.

At isa si Clarkson sa nakiisa sa kampanya matapos itong magpost sa kanyang Twitter account ng parehong hashtag na “#StopAsianHate” kahapon.

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with