Kiefer, Alyssa bakasyon muna

Kiefer Ravena, Alyssa Valdez, Baser Amer at Justine Balgan

MANILA, Philippines — Time-out muna sina Gilas Pilipinas team captain Kiefer Ravena at volleyball star Alyssa Valdez sa training upang makapag-relax sa mala-paraisong isla ng Boracay.

Sa kanilang post sa social media, kitang magkasama sina Ravena at Valdez sa bakasyon para makapagpahinga at lumanghap ng sariwang hangin sa pamosong beach.

“Back where it all started. To more waves and sunsets,” ayon sa post ni Ravena na kasama sina Baser Amer at ang kasintahan nitong si Justine Balgan.

Ito ang unang ba-kasyong grande kay Rave-na matapos ang dalawang bubble na pinasukan nito.

Kasama si Ravena ng NLEX Road Warriors sa kampanya nito sa PBA Season 45 Philippine Cup na ginanap sa bubble setup sa Clark, Pampanga noong nakaraang taon.

Muling umentra sa bubble si Ravena nang magsanay ang Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna noong nakaraang buwan para sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Show comments