^

PM Sports

MPBL tuluy na tuloy na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magbabalik na rin ang Maharlika Pilipinas Basketball League sa susunod na linggo matapos ang isang taong pakakatengga bunsod ng pandemya.

Nakakuha na ang amateur league ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force upang ituloy ang MPBL-Chooks-to-Go Lakan Season na nahinto sa Divisional Finals noong nakaraang taon.

Gaganapin ito sa ilalim ng gold standard bubble setting para sa sports resumption sa gitna ng pandemya sa Marso 10 sa closed-door Subic Bay Gym sa Zambales.

Maglalaban sa North championship ang San Juan Knights at Makati Supercruch habang pag-aagawan ng Davao Occidental Tigers at Basilan Steel ang South title upang makaabante sa best-of-five national finals.

Tabla sa 1-1 kartada ang best-of-three series ng dalawang divisions buhat nang matigil ang mga laro noong Marso dahil nag-shutdown ang sports dahil sa implimentasyon ng Enhanced Community Quarantine.

Nasa Subic na ang San Juan at Davao habang susunod ang Makati at Basilan bukas para sa torneong aabot sa Marso 20 kung sasagad sa dulo ang race-to-three championship. Sinundan ng MPBL ang Philippine Superliga bilang non-pro leagues na bumalik na rin noong nakaraang buwan sa pagdaraos ng beach voleyball sa parehong Subic bubble bilang unang semi-pro league na  nakapag-resume sa gitna ng pandemya.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with