^
Durant pinakitaan ang dati niyang team na Warriors
Kevin Durant at Stephen Curry

Durant pinakitaan ang dati niyang team na Warriors

(Pang-masa) - February 15, 2021 - 12:00am

SAN FRANCISCO — Sa pagsagupa ni Kevin Durant sa kanyang dating tropang Golden State Warriors ay umiskor siya ng 20 points para tulungan ang Brooklyn Nets sa 134-117 tagumpay.

Nagsalpak ang NBA Finals MVP ng 8-for-19 fieldgoals shooting at 1-of-6 clip sa three-point line para sa Nets (15-12) na nakahugot kay Kyrie Irving ng 23 points.

Nagdagdag naman si James Harden ng 19 markers, 14 assists at 8 rebounds.

Binanderahan ni Stephen Curry ang Warriors (14-12) sa kanyang 27 points.

Ito ang ikatlong sunod na kabiguan ng Golden State laban sa Brooklyn.

Sa Salt Lake City, humataw si Donovan Mitchell ng 26 points para akayin ang Utah Jazz (22-5) sa 112-94 paggiba sa Miami Heat (11-15).

Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 19 points at nagposte si Rudy Gobert ng 16 points, 12 rebounds at 3 blocks para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Jazz.

Sa Phoenix, nagpasabog si Devin Booker ng 36 points at may 18 points at 10 assists si Chris Paul para sa 120-111 pagtunaw ng Suns (16-9) sa Philadelphia 76ers (18-9).

Sa Atlanta, nagsalpak si Doug McDermott ng 26 points para pangunahan ang Indiana Pacers (14-13) sa 125-113 pagpulutan sa Hawks (11-15).

Sa New York, umiskor sina Julius Randle at rookie Immanuel Quickley ng tig-22 points para pamunuan ang 121-99 tagumpay ng Knicks (13-15) kontra sa Houston Rockets (11-15).

 

KEVIN DURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with