^

Lakers, Buccaneers bibisita kay Biden

(Pang-masa) - February 10, 2021 - 12:00am

WASHINGTON — Nakatanggap ng imbitas-yon ang NFL Super Bowl champions Tampa Bay Buccaneers at ang NBA kings Los Angeles Lakers mula sa White House.

Ngunit wala pang katiyakan kung kailan makakapunta ang mga Buccaneers at Lakers sa Washington sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“We look forward to inviting the Buccaneers, as well as the 2020 NBA champions, the Lakers, to the White House,” sabi ni Jen Psaki, ang press secretary ni US President Joe Biden. “The visit will be when it is COVID-safe, but I don’t know when that will take place yet.”

Tinalo ni Biden si Do-nald Trump sa US Presidential election at sa kanyang kampanya ay nangako siyang lalabanan ang COVID-19 pandemic kasama ang paghihigpit sa mga public gatherings at travel.

Dinomina ni Brady at ng Buccaneers ang Kansas City Chiefs, 31-9, sa NFL Super Bowl kamakalawa.

Tinalo naman ng La-kers ni LeBron James ang Miami sa 6-games best-of-seven finals series noong Oktubre ng nakaraang taon sa NBA bubble.

LOS ANGELES LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with