^

PM Sports

Boxers sa Calam-bubble sa kuwarto lang muna nagpapakondisyon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Habang hinihintay ang ‘go signal’ para sa kanilang pagbabalik-ensayo ay magkakasamang nagpapakondisyon sina Olympic Games-bound Irish Magno at hopefuls Nesthy Petecio at Analene Cellon sa loob ng ‘bubble’.

Kasalukuyang naka-quarantine pa sina Magno, Petecio at Cellon sa kanilang kuwarto sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang pagsunod sa health at safety protocols ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Okay lang naman po kami dito,” wika ni Petecio, isa sa mga national boxers na gustong makasama si Magno sa kampanya sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan sa Hulyo. “Under quarantine pa din po. Sunod lang muna sa mga protocols po ng PSC at ng bubble training po.”

Bukod kay Magno, sasabak sa flyweight division, mayroon na ring Olympic ticket si middleweight Eumir Felix Marcial na kasalukuyang nagsasanay sa United States.

Nang pumasok ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa ‘Calambubble’ ay sumailalim sila sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests.

Nauna nang sinimulan ng mga national karatekas ang kanilang pagpapakondisyon bilang paghahanda sa lalahukang Olympic qualifying tournament.

“Hindi ko po alam kung kelan po talaga iyong possible na araw ng training po dahil naghihintay lang po kami kung anong sasabihin po sa amin,” sabi ni Petecio.

Ang tubong Davao del Sur na si Petecio, sumuntok ng gold medal noong 2019 AIBA Women’s World Championship, ang sinasabing may malaking tsansang makasikwat ng Olympic berth sa kanyang sasabakang featherweight class.

vuukle comment

OLYMPIC GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with