^

PBA Season 45, bow!

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

Opisyal nang natapos at naisara ang PBA Season 45 pagkatapos maihatid ang virtual special awards night noong nakaraang gabi.

Hanggang sa awards rites buhos ang emosyon ng mga taga-PBA dahil naisalba ang season sa gitna ng pandemya.

“Congrats to All the PBA Awardees! Well deserved! Proud to be part of the historic PBA Bubble! Congrats to Comm Will and the PBA Board for making this happen,” ani NLEX ace guard Kiefer Ravena.

Halos lahat eh pareho ang saloobin.

Ibinalik naman ni PBA chairman Ricky Vargas sa mga manlalaro ang pasasalamat dahil sa kanilang commitment at sacrifice na nagbunsod sa paghahatid ng konting entertainment sa bansa sa kasagsagan ng quarantine period.

At dahil tunay na tagumpay ang historic event, naniniwala si PBA chair na madali nang isagawa ang susunod na PBA events kahit na nandiyan pa ang pandemya.

Syempre, mas dadali ang lahat kung gugulong na ang vaccine na puwedeng ilaban sa COVID-19.

Inihahanda ng liga na isunod na i-showcase sa Pinoy basketball fans ang inaugural PBA 3X3.

Pag-uusapan ang finer details ng torneo sa para-ting na PBA board meeting.

Malamang mahapyawan din sa meeting ang PBA Season 46 na target nilang simulan sa Abril.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with