Harden sa Brooklyn na
HOUSTON — Ibinigay ng Rockets si superstar guard James Harden sa Brooklyn Nets sa isang blockbuster four-team trade na kinasasangkutan din ng Indiana Pacers at Cleveland Cavaliers.
Para makumpleto ang nasabing mga palitan ay ibinigay ng Brooklyn sa Houston ang ilan nilang players at draft picks kung saan napunta si guard Caris LeVert sa Indiana at nakuha ng Rockets si Victor Oladipo.
Sa pagdating ni Har-den sa kampo ng Nets ay muli niyang makakasama ang dating Oklahoma City Thunder teammate niyang si Kevin Durant bukod pa kay star guard Kyrie Irving.
“I think basketball is about playing together and being the best you can be. So, no matter who you are, it’s about finding connectivity and balance within a team and trying to be greater than the sum of your parts,” ani Brooklyn coach Steve Nash bago ang kanilang laro ng New York Knicks. “So, that doesn’t change no matter what your team looks like, and that’s definitely a goal and a thread of our team from Day One.”
Didiretso sina center Jarrett Allen at forward Taurean Prince sa Cavaliers habang nakuha ng Rockets sina Cleveland guard Dante Exum at Brooklyn forward Rodions Kurucs.
Nakuha rin ng Houston ang tatlong unprotected first-round draft picks ng Brooklyn sa 2022, 2024 at 2026 bukod pa sa pick swaps sa 2021, 2023, 2025 at 2027. Hinirit pa ng Rockets ang 2022 first-round pick ng Cavaliers galing sa Milwaukee Bucks kasabay ng pagbibigay nila sa kanilang 2023 second-round pick sa Pacers.
Napasakamay naman ng Brooklyn ang 2024 second-round pick mula sa Cleveland.
- Latest