Top 3 finish sa Hanoi SEAG-- Fernandez

MANILA, Philippines — Optimistiko si Chef de Mission Mon Fernandez sa Top 3 finish ng Team Phi-lippines sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

Tiwala ang commissioner ng Phi-lippine Sports Commission (PSC) sa kakayahan ng mga atletang Pilipino lalo pa’t personal nitong nasusubaybayan ang pagsasanay ng ilan sa mga ito.

“Top 3 pa rin (tayo),” ani Fernandez.

Umaasa si Fernandez na masisimulan na agad ang pagsasanay ng mga atleta partikular na ang mga naghahanda sa SEA Games at sa qualifying tournaments para sa Tokyo Olympics.

Pupulungin ni Fernandez ang mga national sports association (NSA) leaders upang malaman ang kanilang mga kailangan sa training gayundin upang madetermina ang mga target medals ng mga ito bago makapaglabas ng projected medal target. “Wala pa (target golds).Magkakaroon pa kami ng meeting (with NSAs) to audit the numbers, ‘yung mga athletes na may possibilities na manalo ng gold,” ani Fernandez. “Lamang ang Vietnam kase sila host at nakapili sila ng mga events (na favorable sa kanila). Marami ring medalists natin ang hindi makakasali.

 

Show comments