_pang-masa
^

PM Sports

Magic iginupo ang Miami

Pang-masa

ORLANDO — Humugot si Evan Fournier ng siyam sa kanyang game-high-tying 25 points sa fourth quarter para tulungan ang host Magic sa 113-107 paggupo sa Miami Heat sa kanilang season opener.

Umiskor si Orlando forward Aaron Gordon ng 20 points, ang 11 rito ay sa fourth period habang nagdagdag ng 19 at 15 markers sina Terrence Ross at Nikola Vucevic, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Bam Adebayo ang Miami sa kanyang 25 points at 11 rebounds at kumolekta si Jimmy Butler ng 19 markers at 7 assists.

Nakahugot rin ang Heat ng 20 points kay Goran Dragic, 14 points kay Duncan Robinson at 13 points kay Tyler Herro.

Sa Cleveland, humataw si Collin Sexton ng 27 points at may 22 markers si Darius Garland para igiya ang host Cavaliers sa 121-114 pagdaig sa Charlotte Hornets.

Kumolekta si big man Andre Drummond ng 14 points at 14 rebounds, habang naglista si Larry Nance Jr. ng 13 markers at 8 assists para sa Cleveland.

Samantala, kailangang mag-quarantine ni James Harden ng hanggang Biyernes na nangangahulugang puwede na siyang lumaro sa Sabado para sa debut ng Houston ngayong season matapos makansela ang kanilang unang laro kontra sa Oklahoma City nitong Miyerkules dahil sa mga isyu ng paglabag sa COVID-19 protocols.

 

MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with