Focus lang muna si Harden sa Rockets

HOUSTON Sa unang panayam sa kanya ng mga reporters sa gitna ng ispekulasyong gusto niyang mai-trade sa ibang koponan, hindi ito direktang sinagot ni Rockets’ star guard James Harden.

“Right now, I’m just focused on being here,” wika ni Harden sa kanyang preseason debut. “Today was good. Yesterday it felt really good being out there for the first time since the bubble.”

Hindi maitatangging tumaba si Harden dahil sa pagkaantala ng kanyang pagsama sa training camp ng Houston na minamandohan ng bagong head coach na si Stephen Silas.

Sinabi ni Harden na hindi makakaapekto ang lumulutang na trade rumors sa paghahanda ng Rockets sa nalalapit na NBA season. “Since I’ve been here there’s nothing that’s being said about it. ... I’m just preparing for the season so that’s all that matters,” ani Harden, napunta si Harden sa Houston matapos ibigay ng Oklahoma City Thunder noong 2012 sa trade na ina-yos ni dating Rockets’ general manager Daryl Morey na pinalitan ni Rafael Stone.

Sa Charlotte, nagkaroon ng finger injury si Hornets forward Gordon Hayward matapos mabalian ng buto sa kanyang pinky finger sa kanang kamay.

Show comments