Alanganin si Parks
Ray Parks Jr.

Alanganin si Parks

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Posibleng hindi makalaro si TNT Tropang Giga star Ray Parks Jr. sa krusyal na Game 2 ng 2020 PBA Philippine Cup Finals ngayong Miyerlules bunsod ng natamong left calf strain injury.

Ayon sa koponan, iniinda na ni Parks Jr. ang naturang injury sa simula pa lang ng conference bago matuluyan sa series opener kamakalawa kung saan kinapos ang Tropang Giga, 94-100, kontra sa Ginebra sa overtime.

Kung hindi makakasalang ay iindahin ng TNT ang kawalan ni Parks na numero uno ngayon sa statistical race sa naiponig 38.3 SPs sa likod ng solidong 22.5 puntos, 8.1 rebounds, 3.1 assist at 1.3 steals na rehistro.

Nilabanan ni Parks Jr. ang injury sa Game 1 upang makapag-ambag pa rin ng 20 puntos, apat na rebounds at apat na assists para sa Tropang Giga na 0-1 sa serye.

*MOTIVATED SI ERRAM-- Para kay Poy Erram, ang kauna-unahang kampeonato sa PBA ang gusto niyang mahagkan sa kanyang unang finals appearance bilang pinakabagong sentro ng TNT Tropang Giga.

“Motivated kasi first finals. ‘Yung iba sa amin, nakapag-finals na, pero ‘di pa nag-champion. Kaming mga bago, heto first finals. Sana mag-champion,” sabi ng Gilas Pilipinas big man.

*PARANG BETERANO NA SI TOLENTINO-- Parang beterano ang nilaro ni Arvin Tolentino matapos magsalpak ng 14 puntos kabilang ang panablang lay-up sa regulation tungo sa OT win ng Gin Kings. “Nagprepare ako physically and mentally para maka-ambag.”

 

RAY PARKS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with