^

PM Sports

Gilas dadalawahan ang Thailand

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng Gilas Pilipinas na masikwat ang importanteng panalo sa Thailand upang masolo ang liderato sa Group A sa FIBA Asia Cup Qualifiers na ginaganap sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.

Muling magtutuos ang Gilas Pilipinas at Thailand sa alas-9 ng gabi (oras sa Maynila) kung saan pakay ng Pinoy squad na makuha ang ikatlong panalo sa qualifiers.

Kasalukuyang magkasalo sa No. 1 spot ang Pilipinas at walang larong South Korea hawak ang magkatulad na 2-0 baraha.

Nakabuntot ang Indonesia na may 1-2 karta habang nasa ilalim ang Thailand na wala pang panalo sa tatlong laro.

Galing ang Gilas Pilipinas sa matikas na 93-61 demolisyon sa Thailand noong Biyernes.

May two-day break ang Gilas.

Subalit hindi nagpahinga ang buong tropa na sumalang pa rin sa matinding ensayo dahil desidido itong maulit ang kanilang impresibong panalo sa Thailand.

Tiyak na pinag-aralan na ng Thailand ang bawat galaw ng Gilas Pilipinas kaya naman walang puwang ang pagiging kumpiyansa sa pagkakataong ito.

Ito rin ang pananaw ni Dwight Ramos — ang top scorer noong Biyernes na kumana ng 20 puntos mula sa perpektong 7-of-7 shooting clip.

“The next game is probably going to be different. They’re gonna adjust their game plan. They played us before so they’ll make some adjustments,” ani Ramos.

Kaya naman inaasa-hang mas magiging mabagsik ang Gilas Pilipinas sa pagkakataong ito upang maapula ang anumang bombang pasasabugin ng Thailand.

“We’ll make some adjustments as well. You never know next game. It could be tight, so we got to improve and be better,” dagdag ni Ramos.

Ilan sa mga babantayan ng Gilas Pilipinas si Montien Wongsawangtham na nanguna sa kanilang huling laro bitbit ang 17 puntos gayundin si Nakorn Jaisanuk na nagtala ng 12 puntos — lahat galing sa three-point territory.

Ngunit posibleng may pagod factor na sa panig ng Thailand dahil dumaan na ito sa dalawang pukpukang laro.

Sa kanilang ikalawang asignatura sa Manama, lumasap ang Thailand ng 76-90 pagyuko kontra sa Indonesia.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with