Sandamakmak na protocols sa NBA
NEW YORK — Halos dalawang linggong mawawala sa eksena ang sinumang NBA player na magpopositibo sa coronavirus disease ngayong season bago payagang bumalik sa hardcourt.
Ito ay isa lamang sa 63,000-word document na nagpapaliwanag sa ipatutupad na health at safety protocols para sa darating na season.
“It is likely that some staff, players and other participants in the 2020-21 season nonetheless will contract COVID-19,” wika ng liga.
Magsisimula ang mga preseason games sa Dis-yembre 11 kasunod ang regular-season sa Dis-yembre 22.
Ang nasabing dokumento ay raratipikahan pa ng NBA kasama ang National Basketball Players Association.
Ang lahat ng players na sasabak sa training camp ay kailangang simulan ang testing program bukas habang sa Disyembre 6 naman uumpisahan ng mga koponan ang kanilang mandated group workouts.
Puwede nang simulan ang mga individual workouts sa Miyerkules kung magkakaroon ang mga players ng tatlong sunod na negative tests.
Inaasahang araw-araw na sasailalim sa covid testing sa lahat.
- Latest