Bagitong Gilas squad may ibubuga

Chris Co (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng bagitong Gilas Pilipinas na may ibubuga ito matapos ilampaso ang Thailand, 93-61, upang sumosyo sa liderato sa Group A ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginaganap sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.

Ilang linggo pa lang magkakasama ang Gilas Pilipinas subalit hindi ito nakitaan ng problema sa chemistry.

Sa halip na maging disadvantage ang pagi-ging batang team, naging matibay na armas pa ng tropa ang kanilang kabataan dahil sa mabilis at solidong galaw nila kumpara sa Thailand na binubuo ng mga professional players.

Naglatag ng malagkit na depensa ang Gilas para puwersahin ang Thailand na makagawa ng 22 turnovers. Kumana pa ang Pinoy squad ng siyam na steals na nagresulta sa 14 fastbreak points.

Maganda rin ang ikot ng bola para makakuha ng 24 assists at 42 points sa shaded area kasama pa ang impresibong 49.7 fieldgoal shooting.

Bumandera sa matikas na ratsada ng Gilas si Dwight Ramos na may perpektong 7-of-7 shooting clip para makalikom ng 20 puntos kasama ang pitong rebounds, tatlong assists at tatlong steals sa loob ng 20 minutong paglalaro.

Solido rin sa kanyang unang Gilas duty sina Justine Baltazar na naglista ng 12 markers, limang boards at dalawang assists samantalang may 12 puntos din si Juan Gomez de Liano.

Nakapuntos ang lahat ng Gilas members partikular na sina first-timers Javi Gomez de Liano na nag-ambag ng siyam at Mike Nieto na umiskor ng walo.

Nanguna sa hanay ng Thailand si Montien Wongsawangtham na may 17 puntos.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with