$163 milyong kontrata kay Adebayo sa Heat

(Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MIAM I— Dahil sa pagtulong niya sa Heat na makapasok sa nakaraang NBA Finals ay malaking kontrata ang makukuha ni Bam Adebayo.

Nagkasundo si Adebayo at ang Miami sa isang five-year extension na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa $163 milyon, ayon kay agent Alex Saratsis. Hindi pa ito mapipirmahan ni Adebayo hangga’t hindi niya nakukumpleto ang physical examinations.

“This is an accomplishment I always wanted to get,” sabi ng 6-foot-10 na si Adebayo. “Just being able to reach this milestone and being able to generaly change my family’s life and also take care of the people around me, it’s a big deal to me.”

Natalo ang Heat, binanderahan nina Adebayo at Jimmy Butler, sa LA Lakers nina LeBron James at Anthony Davis sa nakaraang 2020 NBA Finals.

Sa Sacramento, hindi na tatapatan ng Kings ang alok na four-year offer sheet ng Atlanta Hawks para kay restricted free agent Bogdan Bogdanovic na nagkakahalaga ng $72 milyon,

Sa New Orleans, nagkasundo ang Pelicans at si All-Star forward Brandon Ingram sa five-year, $158 million maximum contract extension.

Kinuha ng Lakers si Ingram bilang No. 2 overall noong 2016 Draft at dinala sa New Orleans noong 2019 na bahagi ng package para kay Anthony Davis.

Sa Minneapolis, kinuha ng Minnesota Timberwolves si veteran forward Ed Davis mula sa New York Knicks kapalit nina Jacob Evans III, Omari Spellman at isang 2026 second-round draft pick

Sa Detroit, lalatagan ng Pistons si free agent Wayne Ellington ng one-year deal na nagkakahalaga ng $2.6 milyon.

 

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with