^

PM Sports

Abueva Player of the Week

John Bryan Ulanday - Pang-masa

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Tila hindi nawala ng ilang buwan si ‘The Beast’ Calvin Abueva sa ipinapamalas na parehong gilas para sa Phoenix Super LPG na isang panalo nalang ngayon sa finals ng 2020 PBA Philippine Cup dito.

Hinirang na Cignal TV – PBA Press Corps Player of the Week si Calvin Abueva matapos gabayan ang Fuel Masters sa dalawang krusyal na panalo para sa 2-1 kartada sa kanilang best-of-five Final Four series kontra sa paboritong TNT Tropang Giga.

Humakot ng 22.0 puntos sa 55% shooting at 63% 3-point clip si ‘The Beast’ sahog pa ang 14.5 rebounds 5.0 assists at 3.0 steals upang masungkit ang lingguhang parangal ng mga miyembro ng media na sumusubaybay sa PBA beat.

Samantala, nasungkit naman ni Arvin Tolentino ng Ginebra ang Rookie of the Week honor sa likod ng 8.7 puntos, 4.7 rebounds at 1.7 assists bilang sorpresang semis starter ng Gin Kings na may hawak ding 2-1 baraha kontra Meralco.

“Basta ako, step-up lang. Binibigay ko lahat, energy at effort. Pag nandiyan effort, kaya mo ibigay lahat para sa team,” ani Abueva na layong madala sa championship ang Phoenix sa kanyang pagbabalik mula sa 16-buwang suspensyon.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with