^

PM Sports

Davis sa Lakers pa rin, kasama na si Gasol

Pang-masa

EL SEGUNDO, Calif. -- Ngayon pa lamang ay nagpapalakas na ang Los Angeles Lakers para sa pagdedepensa ng kanilang korona sa darating na NBA season.

Pina-finalize na ng Lakers ang alok na two-year deal para kay veteran center Marc Gasol na inaasahang makakatulong sa kanilang hangad na back-to-back championship.

Kasabay ng pagdating ni Gasol sa LA at pagpirma ni Anthony Davis ng contract extension ay ibibigay ng Lakers si center JaVale McGee kasama ang isang future second-round pick sa Cleveland Cavaliers kapalit nina Jordan Bell at Alfonzo McKinnie.

Sa Salt Lake City, pumayag si All-Star guard Donovan Mitchell na pirmahan ang five-year designated rookie extension na nagkakahalaga ng $195 milyon para manatili sa Utah Jazz.

Magbabalik si forward Derrick Favors sa Jazz mula sa free agency habang muling pipirma ng bagong kontrata si Fil-Am guard Jordan Clarkson.

Sa Atlanta, pinapirma ng Hawks si guard Bogdan Bogdanovic sa isang four-year, $72 million offer sheet na dapat tapatan ng Sacramento Kings sa loob ng dalawang araw.

Naglista si Bogdanovic ng mga averages na 15.1 points, 3.4 assists at 3.4 rebounds per game para sa Kings sa nakaraang season.

Sa Boston, lalagda si Jayson Tatum sa five-year extension na nagkakahalaga ng $195 milyon para patuloy na isuot ang Celtics uniform.

Humataw ang 22-anyos na si Tatum ng mga career highs na 23.4 points, 7.0 rebounds at 3.0 assists.

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with