11-karera ang takbo sa Sta. Ana
Nilda Moreno (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 11 karera na inihain ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) na pasisibatin ngayon  sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Tampok ang magaganap na 2020 PHILRACOM 3rd Leg Imported / Local Challenge race, limang biga-ting kabayo ang magtatagisan ng bilis sa 2,000 meter race kung saan maghaharap ang 1st Leg winner Tony’s Love at second leg ruler American Factor.

Inaasahang magandang laban ang masisilayan sa nasabing event na may P1-M guaranteed prize at suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Magkaiba ng istilo ng pagtakbo ang Tony’s Love at American Factor na sasakyan nina apprentice jockey Pabs Cabalejo at class A rider Kelvin Abobo, ayon sa pagkakasunod.

Rumemate ang Tony’s Love noong manalo sa 1st leg habang bumanderang tapos naman ang American Factor sa second leg.

May premyong P600,000 ang nakalaan sa unang kabayong tatawid sa finish line.

 

PRCI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with