Matthew Wright nasa tamang direksiyon

Magandang side rumble sa PBA Philippine Cup bubble semifinals ang MVP race na kasalukuyang pinangungunahan ni Phoenix Super LPG hotshot Matthew Wright.

Kung ang finish line sa karera eh ang pagtatapos ng elimination round, runaway winner ang pambato ng Phoenix.

Pinangunahan niya ang stats race sa elims at lalo niyang pinatatag ang kanyang posisyon pagkatapos ng 32-point explosion sa kanilang 89-88 quarterfinal-round win kontra sa Magnolia.

Pero pagdating sa balloting, malaking impact pa rin ang resulta ng semifinals.

Big stage iyon na puwedeng magpasiklab ang mga chasers at ilaban ang sarili nilang MVP case.

Kasama sa chase pack sina TNT aces Bobby Ray Parks, RR Pogoy at Jason Castro, at Ginebra stalwarts Stanley Pringle at Scottie Thompson.

Si Chris Newsome ang lead anchor ng Meralco pero malayo siya sa mga MVP leading contenders, stats-wise.

Sa Rookie of the Year race, mukhang in the bag na ang korona para kay Meralco guard Aaron Black.

Lamang ng bahagya si top draft pick Roosevelt Adams sa stats race pero may bentahe si Black sa pagtungtong ng kanyang koponan sa Final Four.

Kahit one conference lang nauwi ang PBA Season 45, nasa plano pa rin ang Leo Awards na isasagawa kasabay ng opening ng Season 46.

Show comments