^
Alyssa Valdez walang bahid ng pangangalawang
Alyssa Valdez at Dani Ravena

Alyssa Valdez walang bahid ng pangangalawang

Chris Co (Pang-masa) - November 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang bahid ng pangangalawang si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez sa kabila ng mahigit isang taon na pagkakabakante sa mga actual competitions.

Sa kanyang post sa Instagram, mabagsik pa rin ang 5-foot-9 outside hitter kung saan ilan beses itong nagpakawala ng malalakas na atake sa isang free spiking drill.

Katuwang ni Valdez sa ensayo si Ateneo de Manila University libero Dani Ravena, kapatid ng boyfriend niyang si Kiefer, na taga-set ng bola sa ginawang basketball/volleyball court sa bahay nila.

“Tara, game!” ayon sa post ni Valdez na tila sabik nang magbalik sa competitive volleyball matapos maantala ang mga torneo sa taong ito dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Orihinal sanang magbubukas ang Reinforced Conference ng Premier Volleyball League (PVL) noong Mayo subalit kinansela ito dahil sa pandemya.

Inaasahang magbabalik-aksiyon ang volleyball sa susunod na taon.

 

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with