Folayang wala pang balak magretiro kahit natalo

Eduard Folayang

MANILA, Philippines — Sa nalasap na ikaapat na kabiguan sa huli niyang limang laban ay wala pa sa isip ni Filipino mixed martial arts veteran Eduard ‘Landslide’ Folayang ang pagreretiro.

Nabigo si Folayang sa kanyang misyong talunin si Australian fighter Antonio Caruso makaraang makalasap ng unanimous decision loss noong Biyernes ng gabi sa ONE: Inside The Matrix sa Singapore.

“I’m not contemplating retirement yet. I need to reassess myself and be back into the circle again,” wika ng dating two-time ONE lightweight champion sa isang online press conference matapos ang laban.

Ilang beses napabagsak ni Caruso ang 35-anyos na si Folayang ngunit hindi sumuko ang tubong Baguio City at dinala ang laban hanggang sa  third round.

“I think I did well in all the rounds but it’s my opponent’s night, so let’s give him credit,” wika ng 5-foot-7 na pambato ng Team Lakay sa 5’11 na si Caruso. “I’m looking for it (knockout) but I wasn’t able to execute it well.”

Bago ito ay nakalasap din si Folayang ng kabiguan kay Pieter Buist via split decision noong Enero 31 sa  ONE Championship: Fire & Fury.

 

Show comments