^

PM Sports

Heneral Kalentong may tsansa sa Triple Crown sweep

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namumuro sa sweep ang Heneral Kalentong matapos angkinin ang titulo sa 2nd Leg  ng 2020 PHILRACOM Triple Crown Stakes race kahapon sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

Muling ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year Jessie Guce, parehong diskarte ang ginawa nito nang ipanalo ang Heneral Kalentong sa first leg at isang panalo na lang sa 3rd leg ang maghahanay sa kanila sa mga naka -sweep ng 3-leg Triple Crown.

Hindi inapura ni star jockey Guce sa largahan ang winning horse na nagmasid sa bandang likuran ng nangungunang Runway at pagsapit sa far turn ay unti-unting umusad para agawin ang bandera.

Papasok ng home stretch ay nasa unahan na ang kabayong pag-aari ni Benjamin Alablos at nanalo ng may apat na kabayo ang agwat sa nasegundong Cartierruo.

Omoras ang Hene-ral Kalentong ng 1:50.8 minuto sa 1,800-meter race sapat upang ibulsa ng may-ari ang halagang P1.8-M sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Hinamig ng Cartierruo ang P675,000 habang napunta ang P375,000 at P150,000 sa third at fourth placers na Runway at Tifosi ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with