^
Kakaibang b-day greeting ni Alyssa kay Kiefer
Alyssa Valdez

Kakaibang b-day greeting ni Alyssa kay Kiefer

Nilda Moreno (Pang-masa) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iba rin kung bumati ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez sa kanyang boyfriend na basketbolistang si Kiefer  Ravena na kasalukuyang nasa loob ng PBA bubble sa Clark, Pampanga.

Gumawa ng video ang ‘The Phenom at pinost sa Instagram kung saan ginaya niya ang mga moves ng kanyang dyowang pambato ng NLEX Road Warriors.

“In fairness sa mga moves mo, madali lang pala,” caption ni Valdez sa kanyang IG post.

Makikita sa video na halos 100K na ang views, na suot ni Valdez ang NLEX jersey ni Ravena at ginaya ang mga kilos ng boyfriend sa playing court bago ginaya ang step back at dunk ni Ravena suot naman ang Ateneo uniform.

“You’ve taught me that tough times don’t last; tough people do. Laban lang, I got you. Happiest birthday, love!” ang kalakip na mensahe Valdez sa kanyang video post.

Simple lang ang sagot ni Ravena, “Thank you babe!! I love You!!”

 

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with