PFL bubuksan ngayon
(Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos mag-negatibo ang resulta ng antigen tests ng mga players, coaches at staff, nakatakdang buksan ngayon ang  2020 bubble season ng Philippine Football League sa PFL Training Center sa Cavite.

Sa bagong opening schedule, magsasagupa ang United City FC at Azkalz Development team sa alas-4:30 ng hapoon habang ang sagupaan ng Kaya Iloilo at Maharlika FC ay sa alas-8:00 ng gabi.

Nananatiling intact ang PFF bubble matapos magnegatibpo ang resulta ng antigen test ng limang players, isang coach at tatlong staff noong Linggo matapos magpositibo sa  unang test.

Nagdesisyon ang liga na baguhin ang schedule upang magkaroon ng panahon sa isasagawa pang antigen testing ng mga PFL clubs na nasa loob ng bubble sa Seda Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna na nananatiling intact.

Matapos magpositibo ang siyam katao noong Miyerkules, napilitan ang liga na i-postpone ang nakatakda sanang opening noong Linggo.

Sumailalim ang mga nag-positive sa antigen test noong Linggo at lahat ay nag-negative para sa pagtatakda ng pagbubukas ng liga ngayon.

PFL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with