Pinaghandaan ng grupo nina Pasaol ang Chooks 3x3
Nilda Moreno (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpapakita ng kahandaan sina national men’s 3x3 players Alvin Pasaol, Santi Santillan, Joshua Munzon at Troy Rike sa pagsalang sa 2021 Olympic Qualifying Tournament.

Muling nagpasiklab ang Zamboanga City Family’s Brand Sardines matapos angkinin ang korona sa Leg 2 ng 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup noong Biyernes ng gabi sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna.

Sinandalan ng Family’s Brand Sardines sina Pasaol at Santillan upang sikwatin ang 21-11 panalo laban sa makukulit na Nueva Ecija Rice Vanguards sa championship round.

Ikalawang leg title ng Zamboanga-Family’s Brand Sardine, nagpapatunay lamang na handa na sila sumalang sa Olympic games qualifying.

“Tuluy-tuloy lang naman ‘yung laro kahit anong mangyari. Kailangan na-ming manalo rito kasi ito na ‘yung pre-paration para sa Tokyo Olympics.” sabi ni team captain Pasaol.

Naibulsa ng Family’s Brand Sardines ang pangalawang P100,000 premyo sa kanilang panalo pero mas malaki ang paglalabanan sa Grand Finals sa Oktubre 30 dahil P1 milyon ang nakataya para sa magkakampeon na team.

Humamig din ng P100,000 ang Rice Vanguards dahil nakaharap nila sa finals ang Zamboanga City.

Ngayong araw ikakasa ang third leg at tulad ng inaasahan, nais ng 11 teams na patumbahin ang tropa ni Pasaol.

OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with