Bolts umangat
Bolts umangat
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinilit ni star guard Kiefer Ravena na dalhin sa kanyang balikat ang NLEX ngunit hindi nagpapigil ang Meralco para kunin ang 101-92 panalo sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Ang ikalawang sunod na ratsada ng Bolts ang nagtaas sa kanilang baraha sa 3-2 katabla ang Alaska Aces sa ikaapat na puwesto sa team standings habang nalaglag ang record ng Road Warriors sa 1-4.

Kumamada si Chris Newsome ng pito sa kanyang 18 points sa huling tatlong minuto ng fourth period, ang huli ay ang kanyang three-point play na nagbigay sa Bolts ng 96-90 abante sa 2:03 minuto.

“I think it’s mainly our defense. We really want to focus on our defense,” sabi ni Newsome. “This is a great opportunity for us to actually go two game straight.”

Humugot naman si Ravena ng 14 sa kanyang game-high na 30 points sa fourth quarter para sa Road Warriors, nakakuha ng 16 markers kay Anthony Semerad.

Nauna nang naitayo ng Meralco ang 12-point lead, 32-20, sa second period kasunod ang pag­huhulog ng NLEX ng 17-5 bomba para makatabla sa 37-37 sa 2:56 minuto bago ang halftime.

Kasalukuyang nag-lalaban ang Phoenix (2-2) at Magnolia (1-3) habang sinusulat ang balitang ito. Samantala, target ng Alaska na maidiretso sa apat ang kanilang arangkada sa pagsagupa sa nagdedepensang San Miguel nga­yong alas-6:45 ng gabi matapos ang salpukan ng parehong kulelat na Terrafirma at NorthPort sa alas-4 ng hapon.

Huling biniktima ng Aces ang Rain or Shine Elasto Painters, 89-88, habang tinapos ng Beermen ang kanilang tawagan losing skid mula sa 105-98 pagsira sa Dyip.                    

 

KIEFER RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with