Nahirapan ang Zamboanga- Family’s Brand Sardines
Nilda Moreno (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakaraos sa unang pagsubok ang Zamboanga City Family’s Brand Sardines matapos magkampeon sa 1st leg ng  2020 Chooks-to-Go President’s Cup noong Miyerkules ng gabi pero bugbog ang kanilang inabot dahil pinipisikal sila ng kanilang mga nakakalaban.

Lahat ng kasaling koponan ay puntirya ang Zamboanga para sa karagdagang P100,000 na pabuya ni Bounty Agro Venture , Inc. president Ronald Mascariñas sa sinumang kalaban nila sa finals.

Umahon mula sa seven-point na pagkakalubog ang pinapaborang Zamboanga City upang kalusin ang Butuan-Uling Roasters, 21-17 sa championship game ng Leg 1 ng 2020 Chooks-to-Go President’s Cup Inspire Sports Acade-my bubble sa Calamba, Laguna.

Bagama’t kinapos ay may P100,000 naman ang Butuan-Uling Roasters.

“We are holding ourselves to a high standard. We don’t want to drop any games and we don’t want to take the easy route,” pahayag ni national team pool player Troy Rike.

Nakasama ni Rike sa team ang kapwa national pool players na sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol at Santi Santillan.

Muling mapapasabak ang Zamboan-ga City Family’s Brand Sardines nga-yong araw sa Leg 2 ng President’s Cup.

Nakataya ang tumataginting na P1-milyong premyo para sa magkakampeon sa Grand Finals na ilalarga sa  Oktubre 30, kung saan 12 teams pa rin ang mag- babanatan.

 

ZAMBOANGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with