Nakano brothers susubok sa Olympic slot

MANILA, Philippines — Matapos si Kiyomi Watanabe, susubukan din ng kambal na judokas na sina Shugen at Keisei Nakano na makahanap ng paraang makakuha ng ti-ket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Nagtungo ang mag-utol na Nakano sa Hungary sa hangaring makakolekta ng puntos na maaari nilang maging paraan para makalaro sa Tokyo Olympics.

“They are now in Hungary to earn points to be able to qualify because more or less si Kiyomi Watanabe is already assured of participation in Tokyo Olympics being a continental representative,” pahayag ni Commissioner Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang pormal na paghirang na lamang sa 21-anyos na si Watanabe bilang isang Olymic qualifier ang hinihintay ng three-time gold me-dalist sa women’s 63-kilogram division ng Southeats Asian Games.

“Isa lang kasi ang continental representative. If she (Watanabe) can earn more points and go through the direct qualifying then perhaps we may have some other guys who are able also to gain more points to qua-lify or maybe go through the Olympic qualifying process,” ani Fernandez.

Si Shugen Nakano ang umangkin sa gold medal sa men’s -66kg class noong 2019 SEA Games habang ang kapatid iyang si Keisei ang kumuha ng bronze medal sa men’s -73kg division.

Sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lang ang qualified na sa 2021 Tokyo Olympics.

Samantala, plano naman ng PSC na ilagay sa ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang mga atletanay pag-asang mag-qualify sa Olympic mula sa boxing, taekwondo at karate.

 

Show comments