Folayang ready na

Eduard Folayang

MANILA, Philippines — Sa kanilang nakatakdang pagbiyahe ngayon patungong Singapore ay tiniyak nina Top Team Lakay fighter Eduard Folayang at coach Mark Sangiao na wala silang magiging problema.

Negatibo ang swab tests kina Folayang at Sangiao bago umalis ng Pilipinas para sa laban ng Filipino warrior sa Oktubre 30 sa ONE Championship: ‘Inside the Matrix’ sa Singapore Indoor Stadium.

“Ayaw nating ma-hold at masayang ‘yung preparation natin,” ani Folayang kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum. “Very busy si coach na naghahabol ng mga papers and then for us ‘yung medical namin. Very thankful kaming lahat na ang swab tests namin ay negative.”

Lalabanan ng 35-anyos na si Folayang, dating ONE Championship lightweight king, ang 29-anyos na si  Antonio “The Spartan” Caruso ng  Australia.

Matapos talunin si Amarsanaa “Spear” Tsogookhuu bago matapos ang 2019  ay natalo naman si Folayang kay third-ranked Pieter “The Archangel” Buist noong Enero.

“Siyempre, gusto ulit nating makuha for the third time iyong ONE Cham-pionship belt and it always start from Singapore kasi doon tayo mas naging maganda ‘yung mga past performances natin,” ani Folayang.

Tiyak na aabangan rin ni Folayang ang magi-ging resulta ng laban ni One lightweight champion Christian “The Warrior” Lee kay unbeaten Moldovan Iuri Lapicus.

Show comments