Viva Morena nanilat sa 4yo Stakes

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng ma-laking upset ang Viva Morena matapos manalo sa “4-Year-Old & Above Stakes race kahapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Sakay si class A rider Dan Camañero, sinilat ng dehadong Viva Morena ang Victorious Colt at Pangalusian Island.

Nakolekta ng Viva Mo-rena ang P300,000 premyo sa event na sponsored ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Omoras ang Viva Moreno ng 1:53 minuto sa 1,800 meter race, dumating na segundo ang Gomper Girl na humamig ng P112,500. Tersero ang Stella Malone habang pumang-apat ang Victorious Colt na sumungkit ng tig 62,500 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.

Malaki ang naging dibidendo sa quartet dahil hindi natimbang ang Pa-ngalusian Island habang carry over sa super six.

Samantala, dehado rin ang nanalo sa unang race nang makasilat ang Crown Prince sa PHILRACOM Rating Based Handicap System sa race 1.

 

Show comments