^

PM Sports

Depensa sa bubble

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa analysis ni veteran NBA writer Tim Reynolds, ang matagumpay na Walt Disney World bubble ang tunay na MVP ng 2019-20 NBA season.

Natapos ang season na napanatili nilang hindi nais-torbo ng coronavirus. ‘Di nakapasok ang COVID-19 sa kabuuan ng halos tatlong buwang NBA bubble.

Masalimuot na pag-iingat. Mahirap na pagbabantay. Sakripisyo sa masikip na galawan sa loob ng Lake Buena Vista lockdown campus.

Ito ngayon ang parehong bagay na pagdaraanan ng PBA sa Clark.

Malaking tagumpay na na-i-toss ang bola sa pagsisimula ng PBA Season 45 Philippine Cup restart. Pero hindi doon nagtatapos ang PBA bubble endeavor. Simula pa lang ang labanan para sa bubble glory.

Dalawa’t kalahating buwan na pagsunod sa health at safety protocols ang kailangan gawin upang ‘di makapasok ang ‘di nakikitang kalaban.

Isang pagsuway lang ng isang iresponsableng indibidwal ay maaaring malagay sa peligro ang P65-million PBA bubble program.

“Kaya siguradong ka-kaba-kaba ako sa kabuuan ng bubble,” ani PBA commissioner Willie Marcial, bago tumulak pa-Clark.

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with