NBA TV viewing matumal

MANILA, Philippines — Mahinang-mahina ang rehistro ng TV viewing ng NBA Finals kumpara sa mga numero sa mga nakaraang taon.

Halimbawa na lang ang Game One na pinanood ng 7.41 million tao ayon sa Sports Media Watch website, kumpara sa 13.4 million viewers sa parehong laro noong 2019.

At lalo pang bumaba ang numero nang mga sumunod na laro.

Tingin ng mga eksperto, malaki ang epekto ng pandemic na pinagbangga-bangga ang mga schedule ng malalaking US sports events – NBA, Major League Baseball, NFL at major events ng tennis at golf.

Nariyan pa ang pakikisali ng NBA sa social justice issues kumpara sa mga nagdaang panahon na focus lang sila sa paglalaro.

Ang tanong ay mararamdaman din ba ng PBA ang kaparehong TV rating sa kanilang bubble play resumption.

Ang tingin ko ay kung may epekto man, ito ay positibo dahil wala naman silang makakabanggaang sports event. Solo nila ang ere dahil patuloy na namamahi-nga ang UAAP, NCAA, PSL, PVL at MPBL.

At nariyan ang sob-rang pagkasabik ng Pinoy sports fans sa live sports actions.

Sa Linggo ay mapapawi na ang pagkasabik dahil magsisimula na ang PBA Philippine Cup resumption kung saan maghaharap ang TNT Tropang Giga at Alaska gayundin ang Barangay Ginebra at NLEX.

Araw-araw ang laro sa elimination round bago bumalik sa Wednesday/Friday/Sunday schedule pagdating ng playoffs.

Show comments