^

PM Sports

Patibayan ang labanan sa Clark bubble

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lamang katawan ng mga players ang dapat patibayin sa loob ng PBA ‘bubble’ sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ayon kay San Miguel veteran small forward Arwind Santos, masusukat din ang ‘mental toughness’ ng mga players ng 12 koponan sa restart ng 2020 PBA Philippine Cup na magsisimula sa Oktubre 11.

“Patibayan ng pag-iisip, ng personality. Kung hindi siya naiinip, advantage iyon,” sabi ni Santos sa programang “Sports Page”. “Kailangan nag-e-enjoy pa rin, nagagawa pa ring masaya para maganda ang maipakita sa laro sa loob.”

Sa pagdating ng mga koponan sa Clark ay dumiretso sila sa Quest Hotel sa Mimosa at  ang ensayo at  laro ay sa Angeles University Foundation (AUF) Gym. Sisimulan ng mga PBA teams ang kani-kanilang scrimmages bukas.

Target ang kanilang ikaanim na sunod na Philippine Cup title, susubukan ng mga Beermen na magawa ito nang wala si five-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo na nagrerekober sa kanyang shin injury.

Bitbit ng San Miguel ang 1-0 record matapos kunin ang 94-78 panalo laban sa Magnolia sa pagbubukas ng torneo noong Marso 8 bago pinatigil ang liga dahil sa coronavirus pandemic.

Hindi rin kasama si Marc Pingris ng Magnolia dahil sa calf injury.

 

vuukle comment

CLARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with